Hands On Review: Nokia 6120 Classic
Almost a month na sakin tong phone and so far ok naman.. uunahin ko ang:
design/construction
-for me, ok lang yung design, hindi man sya ganun ka appealing pero yung size nya is very compact talaga, at isa yan sa nagustuhan ko dito sa 6120.. pero medyo prone sya sa fingerprints at grease.. lalo na pag pinagpapawisan kamay mo.. at mas maganda kung gumamit ng crystal case for extra protection from scratches & dusts.. very smooth kasi tong 6120 kaya konting scratch lang mahahalata na agad.
keypad/keys
-maliit tong phone kaya maliit din ang mga keys, kung mabilis kang mag type expect mo na na magkakamali ka talaga dahil dikit dikit ang mga keys, pero less ang errors pag medyo dinahandahan mo.. isang factor din yung may malaking mga daliri, siguro mas suited to sa mga babae or mga taong may maliliit na fingers..
-yung sa D-pad naman ok na ok sya, maganda ang response at napaka bihira ang errors sa pag navigate.. yun nga lang quidaw ka sa paggamit at huwag gamitin ang kuko sa pagpindot kasi nagagasgas agad ang chrome paint nito, nagasgas yung akin dahil pinahiram ko sa pinsan kong bata, naglaro sya ng games,panay kuko ang ginamit nya sa D-pad kaya may mga gasgas.. kaya di ko na talaga pinapahiram! (kainis bababa na value nito! hehe!)
-yung other keys naman are not that ok lalo na yung symbian key at "c" key, ang liliit! kaya dapat gamitin ang tip ng daliri sa pagpindot..
Display
-2 inches lang ang display, kahit maliit very vibrant naman and very satisfied naman ako, pero siempre iba pa rin yung malaking display kasi mas enjoyable for watching clips & viewing photos..
User Interface or OS
-gaya ng sabi ng karamihan, isa ang 6120 sa pinakamabilis na symbian phones ngayon, yung OS nya is S60 ver. 3 Feature Pack 1, same sila ng N95, N82, at mga latest na Nseries phones..
After 2 years ngayon lang ulet ako bumili ng smartphone.. Nokia 6600 was my first symbian phone, sobrang bagal talaga, magvview ka lang ng pictures aabutin ka ng ilang sigundo sa pagbukas.. at madalas din maghang, kaya after nun hindi na ako nag smartphone, pero nung binili ko to, a breath of fresh air talaga!!!
yung perception ko sa smartphone ngayon ay nagiba na.. dahil talagang nagimprove ang OS comapred sa mga sinaunang smartphones or N-series phones.. kaya satisfied talaga ako sa performance nito =).
Multimedia
Camera
2mp camera w/ LED flash, average lang ang camera, pero much better sya sa 6300 at sa 5310. yung LED flash may tulong din kahit papaano lalo na pag madilim talaga.. pero di sya pwedeng gamitin as torch or light for video recording kaya medyo disspointed ako..
yung video naman is QVGA @ 15 frames per second w/c is acceptable naman lalo na't mp4 encoding sya.
-may secondary CIF cam din sya na pwedeng gamitin for video call or self portrait, pwede rin sya mag record ng video pero QCIF lang..
Multimedia/mp3 player
Very smooth ang playback ng video player ng 6120 kahit QVGA 30fps pa yan.. hindi choppy unlike ng ibang feature phones.. yung mp3 player naman ay ok lang din, nagsusuport sya ng album art at playlist.
sa quality naman ng sound, kahit mono lang speaker nya, malakas naman at medyo solid, pero malakas pa rin ang speakers ng 6233 at 6300..
through earphones naman.. pag full volume, basag sya.. malakas pero kulang ng bass,gumamit na ako ng A4tech, original, at ipod earphones ganun pa rin.. disaapointed talaga ako kaya dito ko namimiss ang 5310 at 6233 ko.. =(
Cute din yung video editor at photo editor! nakakaaliw!
Connectivity/Browser:
-may bluetooth sya pero walang infrared, pero sakin ok lang, pero minsan naghihinayang din kasi may mga applications gaya ng "remote control" ang ma mimiss mo dahil applicable lang sya sa mga phones na may infrared.
-no wi-fi
-Browser naman, wala pa akong mabibigay na comment kasi hindi ko pa nagagamit, kaya useless ang 3G at HSDPA nito sa akin, lintik kasi na SUN Cellualr na yan, hanggang ngayon wala pa ring 3G!!! ;)
Battery Life:
-For me the battery really performs well, above average sya, in normal usage like few texting, calls, camera, gallery browsing, mp3 playing...umaabot sya ng 3.5 days.. much better sa 6233 at 6300. ;)
Conclusion na agad mahaba na eh!
-masasabi ko lang sa phone na to ay.. almost perfect!
kung maayos-ayos lang yung keys, maganda ang sounds at may wifi hindi ko papalitan ito.. pero sa price nito, best buy talaga!
maliit pero very powerful! highly recommended! =)