My Nokia 5310 Experience
Hi Guys (pasensya na kung ala tele-novela eto). Share ko lang po at sigurado makakatulong 'to.
Last saturday, me and my wife decided to buy new phones - gift namin para sa mga sarili namin. hehehe. Since malapit lang kami sa SM Tunasan, dun kami namasyal at tumingin ng mobile phones. Pero konti yung choices kaya I decided na sa Festival Mall na lang ako bumili at para marami rin ako pwede pagpilian.
Nagpunta ako sa Abenson pagpasok namin ng wife ko, meron nag introduce ng Nokia 5310 XpressMusic - promo girl sila ng Nokia. Sa design palang (kasama na rin yung promo girl hehehe), nagandahan na ako lalo na nung pinakinggan ko. Superb talaga yung quality ng music. So I ask the promo girl where can I buy this phone at sabi nya sa Nokia Store sa 4th floor halos katabi lang ng jolibee papuntang cinema.
Pero bago ako pumunta dun, nag ikot ikot muna ako sa lahat ng store. Nagcanvass at tumingin din ng ibang model. Pinagpilian namin kasi K810i or Nokia 5610 XpressMusic. Tumingin din kami ng Motorola and Samsung but since di kami masyado familiar sa models nila. We decided na Nokia na lang. Lahat ng pinuntahan naming store walang Nokia 5610 so we decided na next time na lang kami bibili.
Pero parang tinutukso kami ng Nokia 5310 kasi meron na naman kami nakita na promo girl ng Nokia sa 3rd Floor (I forgot kung anong store yun). I take a 2nd look sa unit na 'to at napilitan kami pumunta sa Nokia Store sa 4th Floor.
Ang price kasi sa ibang store eh Php 13,250.00 but I not sure kung legit store sila. I decided sa Nokia Store na lang kumuha kasi 2 units yung kukunin ko and since new model eto inisip ko baka may problema yung unit at software, meron ako guarantee at warranty.
Di na ako nag tanong ng ibang model, ask ko agad kung magkano yung Nokia 5310 XpressMusic. Sabi nung girl na kausap ko Php 14,500.00 and last price na yun. So sabi ko, sige kukuha ako ng 2 units (red and blue). Pero walang stock ng blue so no choice 2 red units binigay sa akin.
While preparing the items, sabi nung girl at nung isa pang guy na kausap ko, kaka-launch palang nitong model na 'to last friday sa Makati. I forgot kung anong venue pero ganda daw nung naging launching at yung mismong unit ang ginamit na sound system.
After ma-prepare yung items at ma-test, pinalagyan ko ng music para ma-test. Eto na po, lumabas na tunay na ugali ng ibang seller dyan. Kapag bayad na tinatamad na entertain yung buyers. Sabi nya, sir bluetooth ko na lang yung music kasi for testing lang naman. Sabi ko sa kanya, akala ko ba punuin mo ng music yung memory ng 2 units na kinuha ko eh di matatagalan tayo nyan. Sabi nya, sir wala po kasi sa laptop yung mp3 nasa N70 na demo unit nila.
So no choice ako. Nilagyan nya ng 5 songs yung unit ko at ako na raw magbluetooth sa unit ng wife ko. Hanep na customer service yan!!! Utusan ba ako!!! Hehehe.
Para maganda talaga maging quality nung music, they recommend a Nokia Headset or Nokia Bluetooth Headset. I forgot the models pero eto yung ginamit na pang demo nung mga promo girls. Malayo talaga quality using the headset included sa package. Since wala silang stock nagrecommend na lang yung guy na kausap ko. Sabi nya either Boss or Sennheiser na lang bilhin ko. Ni recommend nya Sennheiser PX-100, PX-100W or PX-101. Naghanap agad ako ng Sennheiser at walang ibang model na available kundi yung PX-100. At dahil excited ako magamit yung Nokia 5310 binili ko na din yung headset.
While testing the headset dito na nagsimula yung problema namin ng wife ko sa Brand New Nokia 5310. Nakareceive ng text yung wife ko at nung unlock nya yung phone walang response yung cellphone. Sabi ko ano nangyari dyan?!? Baka naghang?!? So pinabalik ko agad sya sa Nokia Store since nandun pa rin kami sa Festival Mall. Ako naman naiwan para bayaran yung headset at ma-test na rin mabuti.
Habang nagtest ako, yung sa akin naman ang naghang. So no choice din ako kundi bumalik sa Nokia Store. Pero di na ako umabot sa Nokia Store at nasalubong ko na agad wife ko. Sabi ko anong nangyari?! Sabi daw sa kanya naghang. Alisin na lang daw yung battery to reset the phone. Since late na masyado di na lang ako bumalik sa Nokia Store. Sabi ko imonitor na lang muna namin ng wife ko.
Habang nagcommute kami pauwi ng San Pedro, eto na naman yung phone. Naghang na naman ng hindi man lang namin ginagamit. Naka standby mode lang sya. That time pareho nakalagay sa bulsa namin yung phones. Sabi ko baka naghang dahil naiipit sya. Inisip ko kasi dahil slim yung phone kya ganun ka-sensitive.
Mula nung Saturday night na bilhin namin yung units hanggang ibalik namin ng wife ko nung Sunday, 5 times naghang yung unit ng wife ko at sa akin naman 3 or 4 times. Napansin din namin mahina yung speaker nya kaya sa call we can't hardly hear yung kausap namin. Lalo na kung nasa open or public place kayo even using the headset na kasama medyo mahina kahit na adjust na namin yung volume.
Nung ibalik namin sa Nokia Store sabi nya baka daw sa software yung problema kasi pareho nangyari sa units namin. So sabi ako anong gagawin natin dyan eh halos wala pang 24hrs kung ginagamit!?! At sayang yung oras at pagod namin lalo na yung pera na pinambili dyan saka sa mga accessories!?!
So nirefer nya kami sa Nokia Care sa Alabang Town Center. Pagdating dun ang haba ng pila at yung iba eh nagmumura na!?! Hehehe. Ganun ba kataas ang mortality rate ng Nokia?!? Pati customer service very poor!?! Lalo na yung nasa lobby walang ginawa kundi mag internet at makipag telebabad!!! Kaya pala lagi busy yung hotline nila!!!
Nung time ko na, ask nila ako kung ano problema. So nilabas ko yung 2 units ng Nokia 5310 at sabi ko wala pa pong 24hrs na ginagamit eh 5 times na pong naghang. So sabi nya ang possible lang daw na pwede gawin eh reflash at reprogram daw. Pero same version pa rin daw yung install kasi wala pang updates kasi nga bago pa raw.
After nya dalhin sa technician ng Nokia Care, sabi nya di ko raw agad makukuha yung units at kelangan ko pa balikan kinabukasan. Sabi ko, kagabi ko lang binili yan at ayaw ko na mag aksaya pa ng oras dahil lang sa defective na items ng Nokia. Buti na lang at nirefer pala kami nung Nokia Store kaya binawi nung customer service instead balikan na lang daw namin after 3hrs.
Hindi ko na hinintay yung 3hrs. Bumalik agad ako after 2hrs at nakuha ko din yung units namin after pumila ulit kami ng 30 mins. After checking the items, napansin ko palpak yung pagkakabit nung original screen protector at sabi nung customer service ganun daw talaga kasi nilalagyan nila ng adhesive tapes. Sabi ko sana naman ayusin nila kasi maayos yun nung binigay ko. Wala na daw sila magagawa dun at palitan ko na lang. So halip na uminit ulo ko kinuha ko na lang yung units at umalis na kami.
While on our way home ulit after ng pagod, medyo naging kampante na ako kasi maganda na response nung units. Pero this morning habang nagplay ako ng music, bigla na lang nawalan ng sound sa headset ko. Akala ko tapos na yung music pero ng tingnan ko naghang na naman. So text ko agad yung wife ko kung naghang din yung sa kanya. Matagal na di nagreply yung wife ko yun pala di nya natanggap text messages ko kasi naghang din pala yung unit nya. 3 or 4 times naghang units namin ng wife ko.
So I decided na palitan na lang ng ibang units itong Nokia 5310 XpressMusic ng ibang units. Balak ko pa nga magdemand ako ng full refund at Sony Ericsson na lang kunin ko.
Nang dumating ako sa Nokia Store, pagpasok ko palang sinabi ko na agad na walang nangyari sa ginawa ng Nokia Care at papalitan ko na lang ng ibang units. Nakapagtaka lang kasi di na nagreact yung mga tao dun sa Nokia Store at pinapili na lang ako ng ibang units.
I decided na Nokia 6300 na lang ipalit ko at makakatipid pa ako ng almost 9K para sa 2 units na kinuha namin. Pero sabi nung girl na kausap ko hindi daw pwede kasi policy nila na hindi daw pwede magrefund. So medyo nag init ang ulo ko at sabi ko defective yung binigay nyo sa akin at malaki abala ginawa nyo.
Dahil tatagal lang yung usapan namin, I decided na Nokia N73 Music Edition na lang kunin ko at Nokia 6300. Nung compute nung girl may balance pa daw ako 1.3K. Sabi ko pwede bang wala na lang ako idagdag para man lang mabawi nyo yung abala na ginawa dahil lang sa defective units?!? Di raw pwede pero bigyan na lang daw nya ako ng discount at ginawa na lang 1K.
Guys, akala ko sulit ako sa Nokia 5310 XpressMusic!!! Pero sakit ng ulo at malaking gastos ang nangyari sa amin ng wife ko!!!
Sana maging sulit naman etong Nokia N73 Music Edition at Nokia 6300 para sa amin ng wife ko!!!
Thanks!!!